Saturday, November 20, 2010

Balik-loob... :D Ahahaha

A year and more before another entry! (Emo pa ng entry na to.. :) )


Narealize ko na sa tuwing umuuwi pala ako galing sa school eh palagi akong takbong-lakad. Parang palagi nalang may nagbabalak kumuha sa bag ko… O cellphone… O mp3… at ang mas malala buhay. Pero hindi ko napapansin na sa tuwing ginagawa ko yon maraming akong namimiss na (significant things)... Tulad nalang nang bagong kabit na bumbilya sa poste, malinis na kalye, batang naglalaro sa kalsada, mga nagbanggaang sasakyan, ngiti ng tindera pag nakakabenta, maski bagong pinturang footbridge..! (kahit na saying sa pondo ng Pilipinas o.O).

Kakaalis ko lang ng simbahan nun… Hindi ko masyado naintindihan yung homily ni Father dahil sa pagsasalita nya (isipin nyo nagsasalita ang isang maikli ang dila ng English na mabilis… Ayun.). Hindi ko maipaliwanag pero ang gaan ng pakiramdam ko… Hindi preoccupied ang utak sa academics o sa tungkulin… Wala… Kung ano lang ang nakikita ko yun lang ang laman ng utak ko.Bilgang pumasok sa isip ko tong mga tanong na to… Bakit nga ba ang bilis ko maglakad? Bakit kelangan mag over-take sa ibang mga tao para makauwi? Ano nga bang hinahabol ko? at… Bakit nga ba ako natatakot?

Pagtapos mo magsimba pumunta ako ng mall para mamili ng gamit ang kumain.. (tokyo-tokyo... MASEBO!(: )Pagkaalis ko sa mall, habang naglalakad, ginawa ko ang pinakaayaw ko.. Ang paglalakad na parang nasa buwan… Habang naglalakad ako, dun ko na realize sa isang iglap pala puwede ka mamatay… Kahit anong iwas mo, darating din ang panahon na bigla nalang titigil sa pagtibok ang puso mo… walang katiyakan ang buhay. Nung mga panahong ding yun sabi ko sa sarili ko “Ba’t nga ba ako natatakot mamatay? E darating din naman lahat ng tao dun… Sa araw-araw na pagdaan ko sa footbridge eh pare-parehas na mga mukha ang nakikita ko, bat pa ko natatakot sa kanila?”

Napaisip ako at naalala ko si God. “Ah matagal nga din pala akong nawawala... “. Kinwestyon ko din ang existence nya at ang mga miracles nya scientifically… Nasimula nang humina ang Faith ko nung mga panahong yun… Hindi na nagsisimba, sinisiraan ang diyos sa ibang tao… at marami pang mga kamalian ang nagawa ko nung mga panahong yun. Masaya ako sa mga napag-aaralan namin sa Science mga ATP, cellulase, muscle, entropy,mitosis, meiosis… Pero parang may kulang… Spiritual… I forgot the man who brought Science to life… He who made the sun, earth and those organisms which is said to be the origin of life…

To end this… Ang masasabi ko lang eh.. IM BACK! ^_____________^

“In the same way, there will be more joy in heaven over one sinner who says, ‘I’m sorry,’ than over ninety-nine people who think they are so good they don’t need God’s help.”

No comments:

Post a Comment