Sa panahon ng mga sakuna ay lumalabas ang tunay na katangian nang mga Pilipino: ang pagiging matulungin sa kapwa. Uunahin muna nilang iligtas at ilayo sa kapahamakan ang iba ng hindi iniisip na unahin ang sariling iligtas wag nalang makialam. Isang pangyayari na personal kong nasaksihan na naganap sa isang mall sa siyudad ng Maynila ang nagpatotoo dito.
Dahil sa ginawang baha nang bagyong Ondoy sa aking kinakalagyan ay napilitan akong magpalipas nang gabi at hintaying bumaba ang baha sa naturang mall. Di ko inaasahan na dahil sa insidenteng ito ay makakakita ako ng mga pamilyar at pinakapayak na larawan ng mga bayani.
Una na dito ay ang mga guwaradiya ng naturang mall na isa sa pinaka-abala para mapanatili ang kaayusan at tanggalin ang balisa nang mga tao. May isa sa guwardiyang ito ang kumuha nang aking atensyon dahil sa ginawa niyang kabayanihan sa pagligtas sa isang taong nanganganib malunod sa matinding ragasa nang tubig ulan sa pinakababang parte nang mall. Ang biktimang ito ay nagtamo nang sugat sa paa kung saan naging hadlang sa kanya maglakad nang mag isa. Kung walang naglakas loob na lumigtas sa taong iyon ay malamang sa ilang sandal lang ay nalunod na siya dahil sa bilis nang pagpasok ng ulan.
Ang pangalawa ay ang mga nars. Bago maganap ang insidenteng ito ang tingin ko sa mga kumukuha nang kursong pagiging nars ay para lamang makapagtrabaho sa labas nang bansa at kumita nang maganda. Ngunit ang insidenteng ito ang nagpabago sa aking paniniwalang baluktot, may mga nars parin na tumahak sa larangang ito upang magsilbi sa ating inang bayan. Dahil sa pagiging maagap ng mga nars ay nabigyan agad ng pangunahing lunas at nailigtas sa matinding kapahamakan. Sabi nga nila iba kung ikaw ang nakakadama kaysa sa nakikita mo lang sa telebisyon. Noong nakakita ako nang isang nars na aktibong gumagawa ng pangunahing lunas sa mga nasaktan ay mas lalo akong nabilib sa kanila at tumaas ang aking pagkakagusto na magtapos bilang doktor.
Habang naghihintay bumaba ang mistulang dagat sa labas ng mall, kami ay pinaakyat nila sa isang sinihan at doon ay pinagpahinga. Dahil sa dami nang tao, gutom at walang pahinga ay mistulang umiikot ang aking ulo. Dito ko nakilala ang pangatlo sa mga “unsung hero”. Dahil sa hindi ko mainom ang napakapaklang gamot kung walang tubig, ang nasabing babae ay nagbigay ng kanyang tubig kahit na ito na lamang ang nag-iisang tubig na dala niya nung panahong 'yon. Kahit na mistulang napakaliit, sa kaniyang pag-aalala sa akin ay masasabi ko na dapat natin siyang tularan. Sabi nga sa isang kanta sa simbahan "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa."
Ang insidenteng ito ay naging mas magkakalapit kami nang aking mga kaklase sapagkat kami-kami din ang dumadamay sa isa’t-isa. Kahit na pagod, masasabi ko paring ito ay isang magandanag karanasan na kapupulutan ng aral. Ito ang aral na hindi naming matututunan hangga’t hindi kami ang nakasalang upang harapin ang problema. Hindi ito matututunan sa mga libro na nagpapakita nang kung papaano gumalaw, makibagay o makisalamuha sa mga tao sa panahong tulad noon.
Sa aking pagtatapos nang sulating ito, nais ko pasalamatan ang bagyong Ondoy, marami akong natutunan sa buhay-buhay na puwede kong ipamahagi sa iba.
No comments:
Post a Comment