Sunday, September 27, 2009

Polusyon sa Ilog Pasig may lunas pa nga ba? (Talumpati) <-- gawa ko :D

Kung Ikaw ay naninirahan sa isang lungsod dito sa ating bansa ay marahil mulat ka na sa isyu ng polusyon. Ito ang itinuturong sanhi sa napakaraming sakit na nakukuhan ng ating henerasyon sa kasalukuyan. Halos araw-araw sa aking pagbukas ng telibisyon ay may nikikita akong balita na nakakonekta sa polusyon lalong lalo na ang isyu ng napakaduming ilog dito sa Metro Manila – ang ilog Pasig. Pero teka, sino ba ang may gawa nito? Diba tayo ding tao?

Sa tuwing kami ay pupunta sa parke sa likod ng aming paaralan na nakatapat sa ilog Pasig may amoy na di maatiim ng aming sikmura. Ang sabi nga namin ay para lamang nagpapatalastas ang mga balata ng kendi, fsitsirya ang kung ano-ano pang bagay sa lumulutang sa ilog Pasig sapagkat imbes na mga isda ang lumangoy ang pumalit sa kanila ay ang isla ng mga basura.

Dapat na lang ba natin itong ipagkibit-balikat? At hayaan ang kung sino man ang may gustong maglinis dito? Di ba’t ito na ang panahon upang ituwid na ang kamaliang ito kaysa sa mas lalo pang palalain ang problema?

Ang paglobo ng polusyon lalo na sa Metro Manila sa aking palagay ang resulta lamang ng mga taong walang disiplina sa kanilang sarili. Nakakatuwa’t may mga tao sa pribadong sector na aktibong gumagawa upang maibsan at kung sakali ay malinis ng tuluyan ang ilog Pasig. Ngunit kung maihahalintulad natin ang mga nagkakawang gawa laban sa nagkakalat, halos tatlo sa bawat apat ng populasyon ang nagkakalat at isa sa apat lamang ang naglilinis. Hindi dapat natin akusahan ang mga “informal settlers” na naninirahan sa gilid ng ilog Pasig dahil sa aminin man natin o hindi na tayong mga mag-aaral din ng PUP kung minsan ay nagkakalat sa ilog na mahalaga sa ating kasaysayan.

Ngayon ay nabawasan na ang mga skwater na nakatira sa tabi ng ilog ngunit bakit parang sa halip na mabawasan na ang basura sa ilog Pasig ay lalo pang dumarami? Disiplina sa sarili at pagiging “vigilant” natin sa pagbabantay sa ilog, iyan ang kinakailangan upang maibsan ang naturang problema. Simulan natin sa ating sarili ang pagbabago, ipangako natin sa ating sarili na hindi na tayo magtatapon ng kahit balat ng kendi sa nasabing ilog. Sumali tayo sa mga organisasyon na naglalayong malinis ang ilog Pasig hindi lamang para sa libreng pagkain at pin-up buttons kundi ay makatulong ng bukal sa iyong loob.


(Nakakatawa dito e yung paano ako naimpluwensyahan nung talumpating ginawa ko... Pag pumupunta kami sa Ilog Pasig palagi puno yung bag ko ng basura... Hahaha)

No comments:

Post a Comment