Thursday, December 27, 2012

That Annoying First Day in College

Hello! Magsha-share lang ako ng random realization.

*THIS* TRUE STORY! (well for me at least)
(Photo OBVIOUSLY NOT MINE)
I hate ALL first meetings.. Who loves first meetings? Kasi ito ang araw na official na magtatapos ng break mo from school. Nandyan ang walang Prof na pumapasok. Nandyan rin ang mga kaguluhan tulad na nawawalang room at subject loads.. Basta CHAOS!

Lalo na kapag nasa Freshmen year ka! Katakot takot na "Introduce yourself, your hobby, your favorite color, and the school you've previously attended" kulang nalang mag fill-up ka ng slam book pero HINDI. You will do this in front of newly aqcuired bunch of faces which will be your company for the rest of semester.




At SYEMPRE the ANNOYING question "Why did you choose this course (Biology for me)?"

Eto ang topic ng blog entry ko ngayon. Bakit nga ba kailangan pa isingit ang pagtatanong ng nakakainis na tanong na yan sa unang araw ng klase?! Bat di nalang discussion agad? Anong bang esensya ng tanong na to sa magiging performance natin sa isang subject?

For some, negligible ang effect or at most wala naman. PERO I find this question essential.

Tama naman sa first meeting ng sa unang araw ng klase tinatanong ng Prof ang mga katagang "Why did you choose this course?". Kasi more or less nagbibigay na yun ng idea kung ano ang kahahantungan ng estudyante. That simple question... and my future? Masyadong bold ang claim no? Pero OO this question can affect your life.

Eto ang claim na di na kakailangan ng reference or resources (Pero ETO.. For more Google is your BESTEST FRIEND). Para sakin works driven by passion requires LESS or NO STRAIN. Dahil kapag passion mo ang ginagawa mo sabi nga ni Paulo Coelho - "If you have a work instead of a job, everyday is holiday."

Naiinis ako sa mga magulang na nagpipilit ng kung anong buhay ang dapat hatakin ng anak nya (Yes I was free to choose mine as well as my siblings). At MAS naiinis ako sa mga taong kino-compromise ang kanilang mga pangarap and ended being REGRETFUL.

Trust me I know and seen a LOT. Took up Nursing because of the "Demand" ended up in a BPO Company.. NO lack of employment is NOT an EXCUSE (kung passion-driven ka hindi ka matitigil ng simpleng obstacle). Wanted to be an Athlete but ended up going to Engineering school due to sparkling "career" na nagtapos sa pagiging Army. AND MANY MORE.. Pwede kayo magdadag sa comment box below! ↓ ☺

Though related naman ang mga last paragraph pero balik tayo sa main point. "Why did you choose this course?" -- kapag ang tanong na yan di mo masagot ng BUKAL SA KALOOBAN.. nako then there's the problem. You will go to school... Struggle to go to class everyday.. Took brain-twisting subjects.. Earn a degree and ended up not using anything you learn.

PERO sa bawat rule meron namang EXCEPTIONS.. Unless you've learn to love your CRAFT you will be forever struggling.


Well again I will end this post with a YouTube Video :D


No comments:

Post a Comment